Habagat season natapos na; panahon unti-unting nang lalamig – PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo October 05, 2018 - 02:12 PM

Radyo Inquirer File Photo

Inanunsyo ng PAGASA ang termination o pagtatapos na ng pag-iral ng Habagat o Southwest Monsoon.

Ayon kay PAGASA Administrator Vicente Malano, humina na ang Habagat nitong nagdaang mga araw.

Habang unti-unti namang lumalakas ang high pressure systems na indikasyon ng pagkakaroon ng transition.

Ang pattern na ito ani Malano ay panimula na ng pag-iral naman ng northeast monsoon o Amihan.

Dahil dito, asahan na ang unti-unting paglamig ng panahon sa bansa.

 

TAGS: amihan, habagat, Pagasa, weather, amihan, habagat, Pagasa, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.