Romnick Sarmenta, Harlene Bautista hiwalay na

Matapos ang halos dalawang dekadang relasyon, naghiwalay na ang mag-asawang Romnick Sarmenta at Harlene Bautista.

Agad namang nilinaw ng dalawa na walang third party na sangkot sa kanilang hiwalayan.

Tatlong beses pang ikinasal sina Harlene at Romnick ang una ay civil wedding noong 1999; church wedding noong 2000 at nagkaroon ng renewal of vows noong 2002 sa Las Vegas.

Nagbunga ng limang anak ang kanilang pagmamahalan – sina Abijah, Zeke, Bo, Nirel at Uela.

Humiling naman ng privacy sina Harlene at Romnick sa kanilang joint statement.

“Romnick and I have five beautiful children, whom we love and treasure very much – we have spent many years together as best friends and partners in everything that we have done,” ayon sa pahayag.

Hindi binanggit ng dalawa ang dahilan ng paghihiwalay pero tiniyak nilang mananatili silang matalik na magkaibigan.

 

Read more...