Hollywood actor Ben Affleck nakalabas na sa alcohol treatment center

By Jimmy Tamayo October 05, 2018 - 01:10 PM

Nakalabas na ng alcohol treatment center ang Hollywood actor na si Ben Affleck.

Kinumpirm ni Affleck na nakumpleto na niya ang 40-day residential alcohol rehab program pero magpapatuloy aniya ang paglaban niya sa kanyang “addiction.”

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang aktor ng kanyang pinagdadaanan bilang isang alcoholic.

Aminado ang aktor na hindi magiging madali para sa kanya ang pakikipaglaban sa pagkakalulong sa alak pero patuloy daw niya itong lalabanan sa tulong ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

Si Affleck na gumanap sa pelikulang Batman at Gone Girl ay may tatlong anak sa aktres na si Jennifer Garner bagamat nagkahiwalay sila noong 2015.

Noong Agosto, nakita si Garner na kasama si Afflect na siya mismong naghatid sa aktor sa treatment center sa Los Angeles California.

Taong 1998 nang makilala si Afflect sa pelikulang “Goodwill Hunting” kasama ang matalik na kaibigan at kapwa aktor na si Matt Damon kung saan nagwagi din sila ng Best Screenplay sa Oscar Awards.

2013 nanalo ng Best Picture ang pelikulang Argo na prinoduce at dinirek ni Affleck.

TAGS: Ben Affleck, rehabilitation, Ben Affleck, rehabilitation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.