Kalusugan ni Duterte, hindi banta sa isinusulong na “Pederalismo-Concom”
Hindi banta ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isinusulong nitong Pederalismo.
Sinabi ito ni Atty. Roan Libarios, miyembro ng consultative committee kasunod ng pag-amin ni pangulo sa kanyang pagpapa-ospital kamakailan.
Ayon kay Libarios, bagamat interes ng lahat ang kalusugan ng pangulo, naniniwala siya na hindi seryoso ang kondisyon nito.
Kumpiyansa siya na malakas pa rin ang punong ehekutibo kaya wala siyang seryosong pag-aalala kay presidente.
Ipaliwanag naman ni Libarios na mayroong inilatag na proseso ang Konstitusyon sakaling may mangyari sa pangulo ng bansa.
Kaharap ang mga alumni ng Philippine Military Academy (PMA) kagabi inamin ni pangulo ang pagpunta niya noong Miyerkules sa Cardinal Santos Medical Center para ulitin ang kanyang endoscopy at colonoscopy.
Sinabi ng pangulo na hindi pa niya alam ang tunay na kalagayan ng kanyang kalusugan pero tiniyak nito na kung ano ang magiging resulta ng eksaminasyon sa kanya ito ay ipapaalam niya sa publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.