3 dayuhan, 1 Pinoy, arestado sa “pot session” loob ng campus sa Cavite
Arestado ang tatlong college students, tatlo sa kanila ay pawang dayuhan sa aktong nagpa-pot session sa Silang, Cavite.
Nahuli ang apat sa loob mismo ng Adventist University of The Philippines, Huwebes ng gabi.
Kinilala ni Silang police chief Supt. Resty Soriano ang mga nadakip na dayuhang estudyante na sina Brendon Ncube, Muleta Mutakatala, at Shaundre Cairncross na pawang African nationals habang ang Pinoy ay si Sandy Oliver Lazaro.
Ayon kay Soriano, ang apat ay nahuli ng security personnel at mga pulis habang humihithit ng marijuana sa loob ng restroom.
Bago ang pag-aresto, nakipag-ugnayan na sa mga otoridad ang pamunuan ng paaralan para isumbong ang ginagawa ng mga mag-aaral.
Nakuha mula sa mga estudyante ang maliit na plastic bag na may lamang marijuana.
Ang mga suspek ay isasailalim sa inquest proceedings para sa reklamong may kaugnayan sa paggamit ng ilegal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.