277 na kopya ng amnesty applications, nawawala – DND
Walang rekord na makita ang Department of National Defense (DND) ng Proclamation 75 na nagkakaloob ng amnestiya sa aabot sa 277 na mga aplikante.
Sinabi ito ni Atty. Norman Daanoy, hepe ng legal affairs ng DND sa pagdinig sa kasong kudeta ni Senator Antonio Trillanes IV sa Makati Regional Trial Court Branch 148.
Ayon kay Daanoy, wala silang makitang rekord ng aabot sa 277 na amnesty applications.
Kasama sa nawawala ang rekord ng aplikasyon ni Trillanes para sa amnestiya.
Ang pag-amin ay ginawa ni Daanoy matapos siyang tanungin ni Atty. Reynaldo Robles, abogado ni Trillanes.
Maging ang pinuno ng Records Division ng DND na si Arlene Manjares ay sinabi sa pagdinig na walang rekord sa kaniyang opisina ng 277 na amnesty application forms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.