Rider arestado matapos mahulihan ng baril; suspek, nagpakilalang pulis

By Dona Dominguez-Cargullo October 05, 2018 - 11:41 AM

I-ACT Photo

Isang motorcycle rider ang inaresto at dinala sa himpilan ng pulisya matapos mahulihan ng baril sa operasyon ng Inter-Agency Council on Traffic.

Pinara ng mga tauhan ng Task Force Kamao ng I-ACT ang motorsiklo na minamaneho ni Mario Lopez de Jesus bilang bahagi ng operasyon.

Pero maliban sa lumang Postal ID, walang naipakitang driver’s license ang lalaki.

May nakita ring baril na nakasukbit sa kaniyang baywang at nang tignan ang motorsiklo nito, may nakuha pang posas at official bullcap ng PNP.

Sa umpisa nagpakilalang pulis ang lalaki pero nang wala itong maipakitang ID na magpapatunay na siya ay tauhan ng PNP ay inamin din nitong hindi siya totoong pulis.

Dinala na ng sa station 4 ng Quezon City Police District ang lalaki.

TAGS: motorcycle rider, quezon city, Radyo Inquirer, motorcycle rider, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.