Tatlo patay sa magkakahiwalay na operasyon ng mga pulis sa Laguna

By Dona Dominguez-Cargullo October 05, 2018 - 11:25 AM

Police banner

Patay ang dalawang drug suspects at isang umano ay suspek sa pagnanakaw ng cellphone sa engkwentro sa mga pulis sa Laguna.

Ayon sa ulat ng Calabarzon police, ginawa ang anti-drug operations sa Cabuyao at Biñan Laguna sa pagitan ng alas 3:00 at alas 4:00 ng madaling araw.

Sa nasabing operasyon, nasawi ang suspek na si Mark Lorence Magno matapos siyang manlaban sa mga otoridad na nagkasa ng buy-bust sa Cabuyao.

Nakuhanan si Magno ng .38 caliber na baril at 11 sachet ng hinihinalang shabu.

Sa Biñan naman, nasawi ang suspek na si Michael Karikitan sa shootout na naganap sa Barangay San Antonio.

Naaresto sa nasabing operasyon ang kasamahan ni Karikitan at anim na iba pa.

Samantala, sa Baligago, Sta. Rosa naman, isang hindi pa nakilalang lalaki ang nasawi sa pakikipagpalitan din ng putok sa mga otoridad.

Ayon sa Sta. Rosa Police, dumulog sa kanila ang isang Criselda Jimenez at sinabing ninakaw ng suspek ang kaniyang cellphone.

Nang mamataan sa checkpoint ang suspek ay pinaputukan nito ang mga pulis sa halip na sumuko.

 

TAGS: Biñan, Cabuyao, laguna, shootout, Sta. Rosa, War on drugs, Biñan, Cabuyao, laguna, shootout, Sta. Rosa, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.