Temperatura sa Baguio City nagsisimula nang lumamig

By Dona Dominguez-Cargullo October 05, 2018 - 11:16 AM

Contributed Photo for Radyo Inquirer

Nagsisimula nang makapagtala ng mababang temperatura sa Baguio City.

Alas 4:00 ng madaling araw kanina, (Oct. 5) naitala ang malamig na temperatura na 13.5 degrees Celsius sa Baguio ayon sa datos ng PAGASA.

Mas malamig pa ito kumpara sa naitalang 13.8 degrees Celsius sa lungsod kahapon araw ng Huwebes.

Noon lamang Miyerkules, Oct. 3 ay 16 degrees Celsius pa ang naitalang pinakamababang temperatura sa Baguio.

Una rito sinabi ng PAGASA na ngayong buwan ay papasok na ang transition period sa pagitan ng Hanging Habagat at Hanging Amihan.

TAGS: baguio city, Christmas Season, low temperature, weather, baguio city, Christmas Season, low temperature, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.