Bahagi ng isang paaralan sa Antipolo City tinupok ng apoy

By Dona Dominguez-Cargullo October 05, 2018 - 10:59 AM

PHOTO: Fire Alert Metro Manila

Tinupok ng apoy ang bahagi ng isang paaralan sa Barangay San Isidro sa Antipolo City.

Ayon kay Dante Accat ng City Disaster Office ng Antipolo, nagsimula ang sunog sa Bagong Nayon 4 Elementary School alas 7:30 ng umaga.

Sinabi ni Accat na agad din namang naapula ang apoy at maliit lamang ang naging pinsala sa paaralan.

Umabot sa 2nd alarm ang sunog at naideklarang fire out alas 8:10 ng umaga.

Ayon naman kay Fire Officer 1 Efraim Ramos ng Antipolo Fire Department, bahagi ng storage room ng paaralan ang natupok.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang halaga ng pinsala sa ari-arian.

 

TAGS: Antipolo City, Bagong Nayon 4 Elementary School, fire incident, Antipolo City, Bagong Nayon 4 Elementary School, fire incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.