Hindi ko alam na nagpunta ng ospital ang pangulo – Roque

By Dona Dominguez-Cargullo October 05, 2018 - 10:05 AM

Nagpaliwanag si Presidential Spokesperson Harry Roque sa nauna niyang pagtanggi na naospital si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos mismong ang pangulo na ang nagsabi na noong Miyerkules ay nadala siya sa Cardinal Santos Medical Center at sumailalim sa mga test.

Sa paliwanag ni Roque, hindi niya alam na naospital pala ang pangulo.

Ani Roque, malinaw naman ang isinaad niya sa kaniyang press conference na wala siyang personal knowledge kung nagputa ng ospital ang pangulo noong Miyerkules.

Sinabi rin ni Roque na wala silang planong itago sa publiko ang health condition ni Pangulong Duterte.

Patunay aniya dito ay mismong ang pangulo na ang nagsabi ng pinagdaraanan ng kaniyang kalusugan.

Noong Miyerkules, kapwa itinanggi nina Roque at Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na naospital ang pangulo.

TAGS: Harry Roque, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Harry Roque, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.