Seguridad sa Makati City Hall hinigpitan kasunod ng pagdinig sa kaso ni Sen. Trillanes ngayong araw

By Jan Escosio October 05, 2018 - 09:35 AM

Kuha ni Jan Escosio

Mahigpit ang seguridad na ipinatupad sa Makati City Hall dahil sa nakatakdang presentation of evidence sa kaso ni Senator Antonio Trillanes.

Ngayong araw ang itinakdang petsa ng Makati RTC Branch 148 para sa presentation of evidence hinggil sa mosyon ng Department of Justice na magpalabas ng warrant of arrest at hold departure order laban sa senador.

Isang kinatawan lamang kada media organization ang pinayagang makapasok sa loob ng court room sa 14th floor ng Makati City Hall habang ang iba ay naghintay na lang sa labas.

May mga nakatalaga ding security personnel sa entrance at exit points ng gusali.

Hindi pa naman tukoy kung pagkatapos ng presentation ng mga ebidensya ay agad mag-iisyu ng resolusyon ng Makati RTC hinggil sa hirit ng DOJ.

Magugunitang nakauwi ng bahay si Trillanes matapos na magpasya ang Branch 148 na ipagpaliban muna ang paglalabas ng ruling kung mag-iisyu ba o hindi ng warrant of arrest.

TAGS: Branch 148, Makati RTC, trillanes, Branch 148, Makati RTC, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.