Limang bahay nasunog sa Davao City

Tinupok ng apoy ang limang mga bahay sa sunog na naganap sa Davao City.

Sa kisame ng isang boarding house nagsimula ang apoy sa Barangay 76-A Bucana.

Ayon sa pahayag ng caretaker ng boarding house mabilis na kumalat ang apoy.

Sa datos ng Bureau of Fire Protection, apat na bahay ang totally damaged habang isa naman ang bahagya lamang ang natamong pinsala.

Sinabi ni Fire Insp. Richard Quiboquibo, hepe ng Special Rescue Unit ng Davao City Fire Department, maraming appliances sa loob ng boarding house kaya posibleng nag-overload ang kuryente.

Tinatayang aabot sa P900,000 ang halaga ng mga nasunog na ari-arian.

Read more...