Kontrolado na uli ni Yaya Dub ang kanyang twitter account
Na-access na muli ni Maine “Yaya Dub” Mendoza ang kanyang twitter account na na-hack ng grupo na nagpakilalang Anonymous Philippines.
Sa tweet ni Unbox PH founder Carlo Ople, sinabi nito na naresolba na ng twitter ang problema.
Sinabihan nito ang mga followers ni Maine at mga Aldub fans na i-check ang account. deleted na anya ang mga tweets ng hackers at kontrolado na uli ng dalaga ang kanyang account.
Nagpatulong si Ople sa mga executives ng twitter para ma-access uli ni Maine ang kanyang account Pagkilinaw ni Ople, hindi ibinalik ng hackers ang account ni maine kundi ni-lock down ito ng twitter.
Kalaunan ay nag-tweet si Maine ng mensaheng “bawal ang sad, dapat happy. kumusta kayo? nagbabalik, Yaya Dub”.
Samantala, humingi ng paumanhin ang hackers ng twitter ni Maine.
Sa post sa kanilang facebook page, sinabi ng isang miyembro ng Anonymous Philippines na gusto lang nilang mag-imbita ng mga tao para sa kanilang million mask march.
“Hindi ito ang tamang panahon para pagtalunan kung bakit namin ginawa ang isang bagay. siguro ang dapat nyong isipin e kung ano yung nagtulak sa amin para gawin yun. hindi nyo po kami kaaway,” nakasaad sa post.
Sa ngayon ay tinanggal na ang mga tweets ng hackers. sa tala ng twitter, nasa 2.4 million ang followers ni Maine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.