LOOK: ATM transactions sa ilang Landbank branches hindi magagamit ng 4 na oras bukas

By Dona Dominguez-Cargullo October 05, 2018 - 08:28 AM

Apat na oras na hindi makaka-access sa mga ATMs sa maraming lugar sa bansa ang mga kliyente ng Landbank bukas, araw ng Sabado, Oct. 6.

Sa abiso ng Landbank, magkakaroon sila ng system maintenance activities.

Dahil dito, hindi magiging available ang ATM transactions bukas mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng umaga.

Sa Metro Manila kabilang sa mga apektado ang mga ATM sa sumusunod na mga lugar:

– Bicutan
– GSIS
– LTO EO
– LWUA EO
– Malabon
– NAIA Terminal EO
– Novaliches
– Plaza Independencia
– Paseo de Roxas
– Quezon City Circle
– San Juan

Maliban sa naturang mga lugar sa Metro Manila, marami ring iba pang lugar sa Luzon at Mindanao ang maaapektuhan.

Ayon sa Landbank, matapos ang maintenance agad na babalik ang serbisyo ng kanilang ATMs sa mga apektadong lugar.

TAGS: ATM transactions, Landbank, Radyo Inquirer, ATM transactions, Landbank, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.