China nanghihimasok sa demokrasya ng US ayon kay VP Mike Pence
Tahasang kinondena ni US Vice President Mike Pence ang aniya ay ginagawang hakbang ng China para palabasing mahina si US Pres. Donald Trump kasunod ng nalalapit na congressional elections sa Amerika.
Hindi rin pinalagpas ni Pence ang military actions ng China sa South China Sea.
Ginawa ni Pence ang pahayag sa kaniyang speech sa Hudson Institute sa Washington.
Sinabi ni Pence na iniimpluwensyahan ng China ang kampanya para sa Nov. 6 elections laban sa Republican Party ni Trump.
Ito ay bilang ganti umano sa paghihigpit ng Trump Administration sa trade policies nito sa Beijing.
Tahasan ding sinabi ni Pence na pinanghihimasukan ng China ang demokrasya ng Amerika.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.