Representative John Bertiz inireklamo ng Migrante sa House Ethics Committee
Ipinagharap ng reklamo sa House Ethics Committee ng grupong Migrante International si ACTS OFW Representative John Bertiz.
Ayon kay Arman Hernando, chairman ng Migrante International sa Pilipinas kailangang maalis sa Kamara si Bertiz dahil hindi naman nito kinakatawan ang mga overseas Filipino workers (OFWs).
Kasama ni Hernando na naghain ng reklamo ang OFW na si Shiela Maybunga at tatay nito.
Ayon kay Mabunga, ang agency ni Bertiz na Global Asia Alliance ang nagpadala sa kanya sa Saudi Arabi noong 2014 pero pagdating doon ay iba ang kanyang naging amo na nambugbog pa sa kanya kaya siya ngayon ay halos paralisado.
Naiyak si Mabunga habang inililitanya ang kanyang dinanas sa Saudi at sa kawalan ng tulong sa kanya ni Bertiz pati ng agency nito.
Kwento nito, hiniling niya sa agency ni Bertiz na pauwiin na siya pero sinabihan siya ng kongresista na tapusin ang dalawang taong kontrata.
Dahil dito, tinawag na pekeng kinatawan ng OFW ni Maybunga si Bertiz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.