Pagpapalabas ng mga martial-law themed films hindi bahagi ng recruitment ng NPA — UPFI

By Isa Avendaño-Umali October 05, 2018 - 02:55 AM

UPFI

Mariing kinondena ng UP Film Institute (UPFI) ang tinawag nilang “wild” na alegasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang martial law-themed film screenings sa mga paaralan ay parte ng pagre-recruit ng CPP-NPA para sa ouster plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nauna nang sinabi ng AFP na mayroong film showings ng martial law sa mga paaralan upang mahimok ang mga estudyante na magrebelde at maisakatuparan ang “Red October.”

Pero sa isang statement, sinabi ng UPFI na ang bawat programa nila ay naaayon sa kanilang mandato na ipamulat sa mga estudyante ang kasaysayan at kultura ng bansa, ikampanya ang pagmamahal sa bayan at ilabas ang katotohanan.

Pinalagan din ng UPFI ang pagbabanta sa kanila, sa kanilang mga estudyante at sa student organizations sa kasagsagan ng malakas na counter-insurgency campaign ng administrasyon.

Kanila pang tinutuligsa ang anumang pagtatangka na i-censor o pigilan sila at iba pang mga unibersidad na nasa listahan ng AFP.

Sa bandang huli, hinamon ng UPFI ang pamunuan ng AFP na bawiin ang pahayag nito laban sa kanila.

Marapat din anilang gumawa ng aksyon sa lalong madaling panahon upang hindi masikil ang kanilang karapatan bilang isang “free and critically minded film community.”

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.