Mocha Uson hindi bahagi ng ACTS OFW partylist

By Isa Avendaño-Umali October 05, 2018 - 12:00 AM

Pinabulaanan ni resigned Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson ang kumalat na balita na magiging bahagi siya ng ACTS OFW partylist.

Sa kanyang latest video, sinabi ni Uson na walang katotohanan ang naturang ulat at “fake news” daw iyon.

Sa alegasyong nagbitiw siya sa PCOO ay dahil tatakbo sa 2019 elections, sinabi ni Uson na wala pa raw ito sa kanyang plano at wala pa raw ito sa kanyang isip.

Sa katunayan aniya, mas iniisip daw niya kung papaano iraraos ang sarili at kanyang mga staff dahil wala na siyang trabaho.

Sa ngayon, sinabi ni Uson na naghahanap umano siya ng trabaho.

Nauna nang naghinala ang marami na kaya nagresign si Uson ay dahil maaaring kakandidato siya sa 2019 midterm elections, sa pagka-senador sa ilalim ng partido ni Pangulong Rodrigo Duterte o kongresista ng ACTS OFW Partylist, na kinakatawan sa Kamara ng kontrobersyal na si Rep. John Bertiz.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.