Sarah Geronimo nagpasiklab sa ASEAN – Japan Music Festival 2018

Viva Artists Agency

Pinahanga ng Asia’s Popstar Royalty na si Sarah Geronimo ang audience sa katatapos lamang na 2nd ASEAN – Japan Music Festival sa NHK Hall, Tokyo, Japan kahapon.

Matatandaang noong Setyembre ay ipinagmalaki ni Japanese Ambassador to the Philippine Koji Haneda ang partisipasyon ng singer sa music event.

Ang music festival na ito ay bahagi ng selebrasyon ng ika-45 anibersaryo ng ASEAN-Japan Friendship and Cooperation ngayong taon.

Ibinahagi ng Viva Artists Agency sa kanilang social media accounts ang mga larawan at video ng singer kasama ang ibang mang-aawit, maging ang performance nito.

Kabilang sa mga performers ay mula sa Japan, Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Singapore, Thailand at Vietnam.

Buong pagmamalaking inawit ni Geronimo ang kanyang OPM hits na ‘Tala’ at ‘Kilometro’ na pinalakpakan ng mga manonood.

Ipalalabas ang kabuuan ng coverage ng music festival sa local television ng Japan sa mga susunod na araw.

Read more...