Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi buo ang kanyang loob na iwan ang pamumuno sa bansa kay Vice President Leni Robredo.
Ito ay matapos ang pag-amin ng pangulo sa talumpati sa harap ng mga miyembro ng Philippine Military Academy Alumni Association, Inc. na sumailalim siya sa check up sa Cardinal Santos Medical Center noong Miyerkules.
Ayon sa pangulo, magaling at hindi naman mahina ang utak ni Robredo ngunit mahina anya ito lalo na sa diskarte.
“She’s very good, she’s gentle, pero mahina talaga si Leni. Hindi mahina ‘yung utak. Pumasa ng bar eh. Mahina sa diskarte and ang sasakay niyan, ‘yung left,”ayon sa pangulo.
Inihayag ng pangulo ang agam-agam na magamit ng makakaliwang grupo si Robredo kapag naging pangulo.
Bago ang pahayag na ito laban kay Robredo ay umamin ang pangulo na sumailalim siya sa ilang medical tests at naglagi sa pagamutan ng nasa isang oras.
Ito ay sa kabila ng pagtanggi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tumungo ang ospital noong Miyerkules kung saan iginiit niya na nagpahinga lamang ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.