Pambato ng Pilipinas, wagi bilang Miss Asia Pacific International 2018

By Rhommel Balasbas October 05, 2018 - 12:47 AM

Miss Asia Pacific International

Kinoronahan bilang Miss Asia Pacific International 2018 ang pambato ng Pilipinas na si Sharifa Akeel.

Tinalo ni Akeel ang 49 pang kanidata sa coronation night na naganap sa Newport Performing Artes Theater sa Pasay kagabi.

Siya na ang ikalimang Filipina na nagwagi sa 50 anyos na international pageant.

Huling nanalo ang bansa dito noong 1993 sa pamamagitan ni Michelle Aldana.

Ipinasa ni Francielly Oriquez ng Brazil ang korona kay Akeel.

Samantala, itinanghal namang runners-up sina Gabriela Palma ng Brazil, Melania Gonzales ng Costa Rica, Misheelt Narmadakh ng Mongolia at Mariani Nataly Chacon Angarita ng Venezuela.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.