Bus at SUV nagbanggaan sa Quirino Highway

By Justinne Punsalang October 05, 2018 - 04:41 AM

Contributed photo

Apat na oras bumigat ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng Quirino Highway na sakop ng Barangay 185 sa Caloocan City matapos magsalpukan ang isang pampasaheron bus at isang SUV.

Ayon sa driver ng bus, mula sa malayo ay nakita na niyang mabilis ang patakbo ng SUV. Sinubukan pa aniya niya itong iwasan ngunit naghead-on collision pa rin ang kanilang mga sasakyan.

Sa lakas ng impact ng pagbangga ay kapwa wasak ang harapang bahagi ng bus at SUV.

Dahil sa abala ay hindi napigilan ng mga pasahero ng bus na uminit ang ulo, lalo na’t inabot pa ng mahigit apat na oras bago tuluyang naalis ang mga nakahambalang na sasakyan at nagsimulang gumaan ang daloy ng trapiko sa lugar.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa naganap na aksidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.