Presyo ng oil products nagbabadya na namang tumaas; singil sa kuryente posibleng bumaba

By Rhommel Balasbas October 05, 2018 - 02:47 AM

Mayroon na namang nagbabadyang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ito ay base sa resulta ng unang tatlong araw pa lamang ng trading sa world market.

Sa trading hanggang nitong Miyerkules, umabot na sa P0.86 ang itinaas sa kada litro ng imported na gasolina habang P1.38 naman sa kada litro ng imported na diesel.

Ang paggalaw sa presyo ng oil products ay mababago pa batay sa naging resulta ng trading kahapon at ngayong araw ng Biyernes.

Ang inaasahang oil price hike sa susunod na linggo ay ang ika-siyam na sunod-sunod na linggong pagtataas sa presyo.

Samantala, inanunsyo naman ng Manila Electric Company (Meralco) na posibleng bumaba ang singil sa kuryente ngayong buwan ng Oktubre.

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga malaki ang naibigay na suplay ng kuryente mula sa mga planta sa kabila ng paghina ng piso at pagtaas ng presyo ng oil products.

Dahil dito ay malaki ang posibilidad na bababa ang bill ng consumers para sa buwan na ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.