Gobyerno umaasang lalago pa rin ang PH economy sa 6.5 percent ngayong 2018

Umaasa ang gobyerno na lalago pa rin sa 6.5 percent ang ekonomiya ng bansa ngayong taon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sakaling mangyari ang 6.5 percent na economic growth, Pilipinas pa rin ang second fastest growing economy sa buong mundo.

Ang pahayag na ito ng palasyo ay matapos ang naging ulat ng World Bank kung saan ibinaba ang growth forecast ng Pilipinas ngayong 2018.

Mula sa 6.7 percent ay ibinaba ang growth outlook sa 6.5 percent dahil sa mahinang exports at mababang produksyon sa sektor ng agrikultura at pangingisda.

Tiniyak naman ni Roque na gumagawa ng paraan ang gobyerno para tugunan ang problema sa inflation.

Handa rin anya ang pamahalaan na suspendihin ang excise tax sa produktong petrolyo sakaling magpatuloy ang pagsipa sa presyo nito.

Giit pa ng opisyal, tuloy-tuloy ang tulong ng gobyerno sa mga mamamayan para pahupain ang epekto ng inflation sa pamamagitan ng conditional cash transfers at Pantawid Pasada Program.

Read more...