Bagyong Queenie nakalabas na ng PAR
(UPDATED AS OF 11:30PM) Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Queenie Huwebes ng gabi.
Ayon sa PAGASA, ganap na alas-siyete ng gabi ng lumabas ng bansa ang bagyo at patungo na itong southern Japan.
Sa 11pm weather advisory weather bureau, na huling bulletin na rin para sa Bagyong Queenie, huling namataan ang bagyo sa layong 735 kilometro Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes.
Humina pa ang bagyo at taglay na lang ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 145 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksong Hilaga-Hilagang Kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Dahil sa bagyo ay mapanganib pa rin ang paglalayag sa northern at western seaboards ng Northern Luzon, maging sa eastern seaboards ng buong Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.