Retiring Army Chief Rolando Bautista, itatalagang DSWD Secretary
Itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Retiring Army Chief Rolando Bautista bilang susunod na kalihim ng DSWD.
Ginawa ng pangulo ang pahayag sa dinner kasama ang Philippine Military Acamedy Association Inc. na ginaganap ngayon sa Palayso ng Malakanyang.
Sa darating na October 15 nakatakdang magretiro si Bautista.
“Announce ko naman, the next DSWD Secretary… Gen. Del Rosario, si Ed. Ah, si, si Rolly pala, Rolly Bautista.” ayon kay Duterte.
Matatandaan na noong September 16 lamang sa meeting ng pangulo sa Tugeugarao sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Ompong sinabi nito na itatatalaga nuya si Bautista sa NFA kapalit ni Jason Aquino.
Pero ayon sa pangulo maaring hindi magustuhan ni Bautista ang NFA dahil hindi naman siya nasa industriya ng rice trading.
Ayon kay Executive Secretay Salvador Medialdea, hindi naman tinanggihan ni Bautista ang NFA post sa halip ay inalok siya ni Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong trabaho.
Bago naging Army Chief naging Commander ng PSG si Bautista at naging overall commander sa military operation sa Marawi siege.
Sa ngayon si OIC Virginia Orogo ang tumatayong pinuno ng DSWD.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.