Pangulong Duterte, kinumpirmang nagpatingin sa kanyang doktor sa Cardinal Santos Medical Center

Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa Cardinal Santos Medical Center siya kahapon para magpatingin sa kanyang mga doktor.

Sa talumpati ng pangulo sa sa pakikipaghapunan kasama ang PMA Alumni Association Inc., isang oras siyang nanatili sa ospital para hayaan ang kanyang mga doktor na makakuha ng mga “samples” at makapagsagawa ng mga karagdagang test.

“I was about to have a sana ngayong Cabinet meeting yesterday but yung reading ng aking ano, somebody advised my doctor just also to repeat and get some samples there, both dito ulit. So I stayed there in one hour sa Cardinal Santos.” ayon sa pangulo.

Ayon kay Duterte, hindi pa niya alam ang resulta ng kanyang mga test.

Tiniyak naman ng pangulo na kapag cancer ang kanyang sakit ay agad niya itong ipaalam sa publiko.

At kapag nasa stage 3 na aniya ang cancer ay hindi na siya magpapagamot para hindi na magtagal ang kanyang agony o hirap sa kanyang tanggapan.

Dagdag ng pangulo, tatlong linggo na ang nakararaan ay nagkaroon siya ng endoscopy and colonoscopy.

Una rito sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nag pahinga lamang kahapon ang pangulo kung kaya hindi nakasipot sa pag turn over ng tseke ng PAGCOR.

Sinabi rin ni SAP Christopher Bong Go na 100 percent na hindi totoo ang balita na nasa ospital kahapon ang pangulo.

Read more...