Mga guro may libreng sakay sa MRT at LRT bukas

Inquirer file photo

May alok na libreng-sakay ang Light Rail Transit o LRT-2 at Metro Rail Transit o MRT-3 para sa lahat ng mga guro bukas (October 5).

Ito ay bilang pakikiisa sa taunang selebrasyon ng “World Teachers’ Day.”

Ayon sa pamunuan ng LRT-2, ang mga guro ay libreng makakasakay sa kanilang mga tren mula 4:30 ng madaling araw hanggang 10:30 ng gabi.

Sa abiso naman ng MRT-3, ang libreng-sakay nila para sa mga teacher ay mula 5:30 ng umaga hanggang 10:30 ng gabi.

Kailangan lamang anila na ipakita ng mga guro ang kanilang school o faculty ID, DepEd ID o PRC license ID.

Read more...