Halfday lang ang pasok sa Korte Suprema bukas araw ng Biyernes.
Sa abiso ng Supreme Court ngayong hapon, hanggang 12:00 ng tanghali lamang ang opisina nito bukas para magbigay daan sa retirement ceremony para kay Chief Justice Teresita Leonardo De Castro.
Sa retirement ceremony, magkakaroon ng special en banc session ang Korte Suprema at programa para ilatag ang mga naging kontribusyon ni De Castro bilang associate justice at chief justice ng Mataas na Hukuman.
Sa October 10 pa ang nakatakdang retirement ni Chief Justice Teresita Leonardo De Castro kaya pangungunahan pa niya ang regular en banc session sa umaga ng Martes, October 9.
Si De Castro din ang mangangasiwa sa ikalawa at posibleng huling oral argument sa petisyon ng mga senador kontra sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na kumalas na ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.