Malacañang: Duterte nag-day off lang at walang sakit

By Chona Yu October 04, 2018 - 05:57 PM

Photo: Bong Go

Binuweltahan ng Malacañang ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na naghahangad na magkasakit ang punong ehekutibo.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, makarma sana ang mga naghahanagd ng masamang kalusugan ng pangulo.

Paliwanag ni Roque, nag day-off lamang ang pangulo kahapon kung kaya hindi nakasipot sa turn-over ng tseke mula sa ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).

Sinabi pa ni Roque na walang sakit ang pangulo.

Sa panig ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, sinabi nito na 100 percent na walang sakit ang pangulo.

Napagod lamang aniya ang pangulo dahil kagagaling lamang nila sa Northern Samar noong Martes.

Katunayan, iginiit ni Go na itataya niya ang kanyang buong buhay para patunayan lamang na maayos ang lagay ng kalusugan ng pangulo.

Mas makabubuting abangan na lamang aniya ang pangulo dahil mayroong joint AFP-PNP Command Conference at dinner kasama ang Philippine Military Academy (PMA) Alumni Association sa Malacañang ngayong gabi.

TAGS: bong go, duterte, karma, Malacañang, pagcos, PMA, Roque, bong go, duterte, karma, Malacañang, pagcos, PMA, Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.