Malapitan: CPP-NPA walang impluwensiya sa UCC

Caloocan City PIO

Itinanggi ng pamunuan ng University of Caloocan City ang alegasyon ng Armed Forces of the Philippines o AFP na may recruitment ang CPP-NPA sa kanilang mga campus.

Pinulong ni Caloocan City Mayor Oca Malapitan ang mga opisyal ng University of Caloocan ngayong Huwebes, at pinabulaanan ng pamunuan ng nito na nangangalap ng mga miyembro ang CPP-NPA sa kanilang campus para sa binansagang “Red October” o pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Malapitan, ang Caloocan City College na nasa listahan ng AFP ay Caloocan City Community College bago maging fullfledged na unibersidad.

Sinabi naman ni Prof. Rey Jetajobe, Edsa Campus Administrator na kaagad na ipinag-utos ni Mayor Malapitan na hindi papayagan ang kahit na anong uri ng recrutiment ng CPP-NPA.

Bilang isang institusyon ng edukasyon, sinabi ni Jetajobe na ang University of Caloocan City ay nagpupursige para mahubog ang mga mag-aaral nito bilang mga aktibong miyembro ng lipunan at makatulong sa ikabubuti ng kanilang siyudad at ng bansa.

Iginagalang din aniya ng unibersidad ang karapatan ng bawat estudyante sa malayang pamamahayag at pakikibahagi, at tutulungan din umano ng kanilang pamunuan ang bawat mag-aaral na isulong ang kanilang karapatan sa tamang pamamaraan at maging kabahagi ng isang demokratikong bansa.

Read more...