Lito at Mark Lapid lumipat na sa NPC

By Jan Escosio October 04, 2018 - 04:50 PM

NPC photo

Sa pagtatangka nilang makabalik sa mundo ng pulitika, nasa bakod na ng Nationalist Peoples Coalition (NPC) ang mag-amang sina dating Senator Lito Lapid at dating Pampanga Governor Mark Lapid.

Nanumpa bilang mga bagong miyembro ng NPC ang mag- amang Lapid kay Senate President Tito Sotto III, na senior adviser ng partido.

Nabatid na susubukan ng nakakatandang Lapid na makabalik sa Senado sa eleksyon sa susunod na taon.

Ang anak naman niya ay tatakbo sa pagka-mayor ng bayan ng Porac sa Pampanga.

Sa kanyang mga naunang pahayag ukol sa mga susuportahan nilang kandidato sa pagka-senador, panay ang banggit ni Sotto kay Lapid.

Inaasahan namang maglalabas ng listahan ang NPC ng kanilang mga magiging opisyal na kandidato sa senatorial elections sa mga susunod na araw.

TAGS: Lito Lapid, mark lapid, NPC, Pampanga, Porac, senate, Sotto, Lito Lapid, mark lapid, NPC, Pampanga, Porac, senate, Sotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.