23,000 sako ng smuggled rice nawawala sa Zamboanga City
Kaagad na sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang opisyal ng Bureau of Customs sa Zamboanga City makaraang mawala ang 23,015 sako ng kumpiskadong smuggled rice.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na galit na galit ang pangulo nang makarating sa kanya ang impormasyon kaugnay sa nawawalang mga bigas.
Kaagad ring inatasan ng pangulo ang mga pinuno ng National Food Authority at Bureau of Customs na imbestigahan ang kanilang mga tauhan na posibleng sangkot sa pagkawala ng nasabing mga kargamento.
Nauna nang sinabi ng Philippine Coast Guard na dumaan sa imbentaryo at dokumentado ang pag-turned over ng mga bigas sa BOC.
Sinasabi sa ulat na posibleng galing sa Malaysia ang smuggled rice na may tatak na “Emperor” at “Royal Crown 88”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.