Kaso ng misis na biktima ng gang-rape sa Munti pina-iimbestigahan ni CJ Serreno

By Den Macaranas November 03, 2015 - 04:25 PM

CJ Serreno
Inquirer file photo

Personal na sumulat si Chief Justice Ma. Lourdes Serreno kay Justice Sec. ben Caguioa para ma-imbestigahan ang kaso ng isang misis ng isang inmate sa New Bilibid Prisons na umano’y biktima ng gang-rape sa loob ng nasabing bilangguan.

Sa kanyang liham, sinabi ni Serreno na sumulat sa kanya ang nasabing inmate na hindi na niya pinangalanan dahil hanggang ngayon ay wala raw nangyayari sa kanyang reklamo na nauna nang ipinarating sa DOJ noong May 2, 2013.

Ayon sa dokumentong hawak ni Serreno, natanggap ng DOJ Action Center ang nasabing liham at kaagad na ini-refer kay dating NBP offcer-in-charge Fajardo Lansangan pero walang nangyari sa reklamo.

Noong December 9, 2013 sa pamamagitan ng isang Pari ay muling ipinarating ng mister ng biktima ang nasabing pangyayari kay dating Justice Sec. Leila De Lima pero wala ring nangyari.

Nasundan ang pagpapada ng reklamo sa tanggapan ng DOJ Action Center noong February 2014, May 21, 2015 at June 16, 2015 pero hindi pa rin ito inaksyunan ng mga otoridad.

Ayon sa reklamo ng mister ng biktima, pinaniniwalaang mga maimpluwensiyang mga bilanggo at ilang mga jail guards ang nasa likod ng pangga-gahasa sa biktimang may edad na dalawampu’t limang taong gulang.

Binanggit din sa reklamo na dahil sa pangyayari ay na-confined din ng ilang buwan sa National Center for Mental Health ang nasabing biktima.

Umaasa naman si Serreno na kaagad na aaksyunan ng DOJ ang kanyang liham para makasuhan ang mga nasa likod ng nasabing krimen na nangyari mismo sa loob ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

TAGS: Caguioa, DOJ, NBP, Serreno, Caguioa, DOJ, NBP, Serreno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.