Unang gabi sa Bilibid naging maayos para kay Palparan

By Den Macaranas October 04, 2018 - 04:16 PM SHARE(S):
Inquirer photo

Naging maayos ang unang gabi ni dating Army General Jovito Palparan sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

Bagaman naninibago sa kanyang bagong kapaligiran ay hindi naman umano siyang mahihirapang mag-adjust sa loob ng bilangguan.

Kahapon ay nailipat na sa Bilibid ang dating opisyal makaraan siyang ma-convict sa kasong kidnapping kaugnay sa pagkawala ng dalawang estudyante ng University of the Philippines ilang taon na ang nakalilipas.

Sinabi naman ni Bureau of Corrections Director Ronald Dela Rosa na walang special treatment na ibibigay sa dating heneral.

Pansamantala muna siyang mananatili sa Reception and Diagnostic Center ng Bilibid.

Sinabi ni Dela Rosa na kailangang dumaan sa assessment ni Palparan para malaman kung anong uri ng rehabilitation program ang ipagkakaloob dito ng NBP.

TAGS: Bilibid, dela rosa, NBP, Palparan, vip treatment, Bilibid, dela rosa, NBP, Palparan, vip treatment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.