4 na hinihinalang ISIS militants naaresto sa South Cotabato
Apat na hinihinalang tauhan ng Islamic State ang naaresto ng mga otoridad sa Polomolok, South Cotabato.
Ayon kay Sr. Insp. Ludovico Rendaje Jr., hepe ng Polomok Police station, ang mga nadakip ay kinilalang sina Mohamed Lompong, 28 anyos; Dats Kalangke, 27 anuos; Monib Sagadan, 40 anyos; at Adin Dala, 25 anyos.
Nadakip ang mga suspek sa Barangay Sumbakil.
Nakuha mula sa kanila ang dalawang granada, .22 magnum revolver pistol, mga bala, tatlong camouflage uniforms, cellphones at IDs.
Kamakailan, tatlong hinihinalang IS militants din ang nadakip sa Tupi, South Cotabato.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.