Salvage at hindi ambush ang naganap sa Cebu na ikinasawi ng 5 katao ayon sa survivor

By Jimmy Tamayo October 04, 2018 - 11:59 AM

CREDIT: Taptap Ambulance

Ibinunyag ng isa sa dalawang nakaligtas sa shooting incident sa Malubog, Cebu City na hindi ambush kundi summary execution o salvage ang ginawa sa kanila.

Kwento ni Antonio Belande, isang habal-habal driver na nakaligtas sa pangyayari, dinampot siya ng mga pulis sa kaniyang bahay sa Sitio Banawa, Bbarangay Guadalupe at dinala sa Malubog kung saan sila binaril.

Sinabi ni Belande na nakaligtas siya makaraang magtamo ng tama ng bala sa tagiliran at nakuha niyang makatakas.

Nagpagulong-gulong umano siya sa madamong bahagi ng kalsada at nagtago.

Itinanggi naman ng pulisya ang pahayag ni Belande at sinabing walang pulis na sangkot sa pangyayari.

TAGS: cebu, Malubog, Radyo Inquirer, cebu, Malubog, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.