Lalaki kritikal sa pananaksak ng live-in partner sa Tondo

MPD Photo

Dahil sa selos, pinagsasaksak ng bente singko anyos na babae ang kanyang ka-live-in partner na lalaki sa Tondo, Manila.

Duguan pa nang arestuhin ng mga kagawad ng Manila Police District ang suspek na si Daisy Babao, residente ng Capulong St., Tondo.

Nabatid na nagtalo umano sa loob ng kanilang tinitirahang bahay ang suspek at live-in partner nito na si Philip Ruiz dahil sa selos.

Sa kasagsagan ng kanilang pagtatalo ay kumuha ng kutsilyo ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima na nagtamo ng maraming sugat sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Ayon kay Police Senior Inspector Ariel Ilagan ng MPD, patuloy pang nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Hospital ang biktima.

Mahaharap naman sa kasong frustrated homicide ang suspek.

Read more...