Pagsibak kay Maglunsod kagagawan ng militar ayon kay Anakpawis Rep. Casilao

By Erwin Aguilon October 04, 2018 - 11:15 AM

KMU Photo

Kumbinsido si Anakpawis Rep. Ariel Casilao na may kamay ang militar sa naging pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Labor Usec. Joel Maglunsod.

Ayon kay Casilao, bahagi pa rin ng pagiging praning ng pamahalaan ang naging aksyon laban kay Maglunsod.

Sinabi nito na maaaring idinikit ng administrasyon si Maglunsod sa “Oplan Aklasan” na sinasabi ng militar na malawakang strike ng mga manggagawa.

Naniniwala rin si Casilao na pinag-initan ng gobyerno si Maglunsod dahil sa paninindigan nito na pro- manggagawa.

Nanatili anyang bukas ang tanggapan nito sa karaingan ng mga obrero tulad noong lider pa siya ng Kilusang Mayo Uno.

TAGS: Joel Maglunsod, KMU, Radyo Inquirer, Joel Maglunsod, KMU, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.