Nakumpiska ng mga sundalo ang matataas na kalibre ng baril at mga pampasabog sa pinaniniwalaang grupo na may kaugnayan sa Islamic State sa Maguindanao.
Ayon kay Maj. Gen Cirilito Sobejana, commander ng 6th infantry division ng Philippine Army, nakuha ang mga armas at pampasabog matapos ang bakbakan sa Barangay Nabundas sa Shariff Saydona Mustapha.
Ayon kay Sobejana, naka-engkwentro ng mga tauhan ng 40th infantry battalion ang tinatayang nasa 40 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa ilalim ng pamumuno nina Zainuddin Kiaro, Noel Ganoy at Muslimin Amilil.
Tumagal ng 20 minuto ang bakbakan bago umatras at tumakas ang mga bandido.
Hindi pa tukoy ng AFP kung may nasugatan o nasawi sa panig ng BIFF.
Kabilang sa nasabat sa pinaniniwalaang hideout ng bandido ay ang M16, M14 M79 dalawang imporivsed na bomba at assorted na magazines at mga bala.