Ronnie Dayan hindi sinipot ang hearing sa kaso ni Sen. De Lima sa QC RTC

By Jong Manlapaz October 04, 2018 - 10:56 AM

Hindi nagkita ang dating magkasintahan na si Sen. Leila De Lima at Ronnie Dayan, matapos hindi sumipot si Dayang sa pagdinig sa disobedience case ng senadora sa Quezon City RTC Branch 34.

Dahil dito muli na namang naurong ang pagdinig dahil si Ronnie Dayan sana ang testigo sa kasong Kinakaharap ng senadora sa naturang korte.

Ayon kay Atty. Boni Tacardon, ang pagdinig ay muling iniurong sa November 7 ganap na 8:30 ng umaga para sa kaso ni De Lima.

Maliban sa kinilala ng korte ang “right to speedy” trial ni De Lima, walang napag usapan sa pagdinig.

Umaasa ang kampo ni De Lima na sa susunod na pagdinig ay makakadalo na si Dayan na pina-subpoena at binigyan clearance sa Muntinlupa Branch 206 Para makausad na ang kaso.

Ang kasong disobedience to summons ay inihain ng mga opisyal ng Kamara sa Department of Justice laban kay De Lima.

Dahil sa hindi pagdalo ng senadora sa hearing ng House committee on justice, pinayuhan rin umano nito si Dayan na huwag dumalo sa hearing ng kongreso.

Samantala, sinalubong naman ang senadora ng kanyang mga supporters sa labas ng justice hall ng QC, habang matindi naman ang seguridad na pinatupad.

TAGS: leila de lima, Radyo Inquirer, leila de lima, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.