Lima patay sa pananambang sa Cebu City

By Cebu Daily News, Dona Dominguez-Cargullo October 04, 2018 - 08:22 AM SHARE(S):
CREDIT: Taptap Ambulance Photo

BREAKING: Patay ang limang katao sa insidente ng pananambang na naganap sa Cebu City.

Ayon sa Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office naganap ang pananambang sa Transcentral Highway sa Barangay Malubog alas 3:00 ng madaling araw ng Huwebes, Oct. 4.

Pawang lalaki ang mga biktima ng pananambang na wala nang buhay nang dumating ang rumespondeng ambulansya.

Lahat sila ay nagtamo ng tama ng bala sa katawan.

Sa ulat ng Cebu Daily News, tatlo sa mga biktima ay nakita sa kalsada katabi ng dalawang motorsiklo, habang ang dalawang iba pa ay nakita saloob ng isang kulay puting van na may plate number na GFF 192.

May nakita ring mga armas sa tabi ng mga nasawing lalaki.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

TAGS: ambush incident, Cebu City, Shooting Incident, ambush incident, Cebu City, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.