May mga pasahero pa ring nahuhulihan ng bala sa mga paliparan.
Ayon sa datos na inilabas ng Office for Transportation Security (OTS) noong nakaraang buwan ng Setyembre, limang pasahero ang magkakasunod na nahulihan ng bala sa Mactan Cebu International Airport.
Noong Sept. 18, anim na piraso ng bala ang nakuha sa bagahe ni Celso Rana n a isang retiradong tauhan ng Philippine Army.
Inamin ni Rana na nalimutan niyang alisin ang mga bala sa kaniyang bag.
Sept. 20 naman nang maharang ang isang dating sundao mula sa Israel matapos makuhanan ng dalawang bala sa bagahe.
Ayon sa babaeng suspek na si Tair Fizuati hindi niya intensyong lumabag sa polisya ng Pilipinas na nagbabawal sa pagdadala ng bala.
Sept. 22 naman nang maharang ang babaeng pasahero na si Geremae Jane Duran matapos makita ang isang piraso ng bala sa kaniyang bagahe.
Katwiran ni Duran, galing siya sa firing session at dinala niya ang bala bilang souvenir.
Sa parehong araw, isang pulis naman ang nahulihan ng 30 piraso ng empty shells ng 9mm.
Inamin naman ni Terry Alfren Alicayos na kaniya ang mga bala at sinabing siya ay aktibong pulis.
Nabigo si Alicayos na magpakita ng mga dokumento para sa mga dala niyang basyo ng bala.
Ayon sa pasahero na si Marivic Flores, hindi niya alam na mayroon palang bala sa dala niyang bag.
Ayon sa OTS ang lahat ng pasahero na nahulihan ng bala ay isinailalim sa proseso at agad din namang nakalipad at nakahabol sa kanilang biyahe.