Dating presidente ng Peru na nabigyang ng pardon muling ipinaaaresto ng korte
Ipinaaarestong muli ang dating presidente sa Peru na si Alberto Fujimori.
Ito ay makaraang ipawalang bisa ng Peruvian court ang ipinagkaloob na pardon sa kaniya sa kinakaharap na kasong crimes against humanity.
Naglabas na ng warrant of arrest ang korte at iniutos na agad makulong ang 80 anyos na dating pangulo.
Si Fujimori ay napagkalooban ng pardon noong nakaraang Disyembre matapos makulong sa loob ng 12 taon.
Sa naging desisyon noon ng korte, hinatulan siyang mabilanggo ng 25 taon dahil sa mga utos niyang pagpatay sa pagitan ng taong 1991 hanggang 1992.
Pero matapos mapardon, nagprotesta ang kaanak ng mga biktima at hiniling sa Inter-American Court na maibalik siya sa kulungan.
Ikinalungkot naman ng kampo ng dating presidente ang pasya ng korte dahil sa hindi na magandang kondisyon ng kalusugan nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.