PUBLIC SERVICE: Scheduled water service interruption ng Manila Water ngayong araw, Oct. 4

Ilang lugar sa Mandaluyong, Pasig, Taguig at Makati ang mawawalan ng suplay ng tubig ngayong araw.

Ang water interruption ay magaganap sa pagitan ng alas 9:00 ng gabi mamaya hanggang alas 5:00 ng umaga bukas.

Sa abiso ng Manila Water, sa Mandaluyong City, apektado ang mga bahagi ng Barangka Itaas, Barangka Ubaba, Bagong Silang, Daang Bakal, Harapin ang Bukas, at Hagdang Bato Itaas.

Sa Pasig City naman, apektado ang Bagong Ilog at bahagi ng Ugong.

Sa Taguig City ay ang barangay Napindan ang maaapektuhan.

Habang sa Makati, apektado ng interruption ang bahagi ng Barangay Pitogo at Pinagkaisahan.

 

Read more...