M4.4 na lindol tumama sa Compostella Valley

Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang Compostella Valley alas-5:44 ngayong umaga.

Sa impormasyon mula sa Phivolcs, ang episentro ng pagyanig ay sa layong anim na kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Pantukan.

Una nang iniulat na may lakas itong magnitude 4.3 ngunit itinaas sa magnitude 4.4

May lalim ang pagyanig na 26 na kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian at aftershocks.

Read more...