Presyo ng gasolina sumampa na sa pinakamataas na antas – DOE

By Dona Dominguez-Cargullo October 04, 2018 - 06:32 AM

Sumampa na sa pinakamataas na antas ang halaga ng kada litro ng gasolina.

Ito ay makaraang umabot na sa P60.50 bawat litro ang common price ng gasolina ngayon ayon sa datos ng Department of Energy (DOE).

Ayon sa DOE, mas mataas na ito kumpara sa naitalang “peak common price” noong July 2008 na P60.46 bawat litro.

Samantala, malayo pa naman sa ngayon sa peak common price ang halaga ng diesel.

July 2008 din nang maitala ang pinakamataas na halaga ng diesel sa kasaysayan na umabot sa P58.94 kada litro.

TAGS: DOE, oil price hike, peak price, DOE, oil price hike, peak price

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.