Malamig na katubigan sa PH Sea, patuloy na nagpapahina sa Bagyong Queenie

By Rhommel Balasbas October 04, 2018 - 05:16 AM

Patuloy na humihina ang Bagyong Queenie dahil sa malamig na katubigan sa Philippine Sea.

Sa 4am weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 670 kilometro Silangan-Hilagang Silangan ng Basco, Batanes.

Sa ngayon ay taglay na lang ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 185 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometro kada oras sa direksyong Hilagang Kanluran

Hindi pa rin inaasahang tatama sa kalupaan ang bagyo.

Gayunman, inaasahan itong magdadala ng mahina hanggang sa paminsan-minsan ay katamtamang mga pag-ulan sa eastern section ng bansa.

Dahil sa bagyo ay nakataas ang gale warning o mapanganib ang paglalayag sa northern at eastern seaboards ng Northern Luzon at eastern seaboards at Visayas.

Posibleng mamayang gabi o Biyernes ng umaga ay lumabas na ang Bagyong Queenie sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ngayong araw, makararanas ng mahihina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan sa Western at Eastern Visayas, Northern Mindanao at Caraga Region.

Sa nalalabing bahagi naman ng bansa ay maaliwalas ang panahon maliban na lamang sa mga pag-ulang dulot ng localized thunderstorms.

TAGS: #QueeniePH, Radyo Inquirer, Typhoon Queenie, weather advisory, #QueeniePH, Radyo Inquirer, Typhoon Queenie, weather advisory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.