DOLE Usec. Maglunsod hindi NPA o non-performing asset ng gobyerno ayon sa labor groups

By Isa Avendaño-Umali October 04, 2018 - 01:59 AM

KMU Photo

Ikinalungkot ng ilang labor groups ang pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Joel Maglunsod bilang Undersecretary ng Department of Labor and Employment (DOLE) dahil umano sa kabiguang ihinto ang labor strikes.

Ayon kay Alan Tanjusay, tagapagsalita ng Associated Labor Union-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP), nasorpresa ang kanilang grupo sa pasya ng presidente na sibakin si Maglunsod.

Ani Tanjusay, si Maglunsod o kilala rin sa tawag na JoMag, ay aktibo sa pagpaparating ng mga problema at pangangailangan ng mga labor group at workers organization sa DOLE, mga employer at mismong sa punong ehekutibo.

Lagi rin aniyang handang makinig si JoMag sa mga hinaing ng mga manggagawa, at isa ring key DOLE official na nagsusulong ng security of tenure bill, at hagayagang tumututol sa endo.

Sa panig naman ng Magkaisa Labor Coalition, hindi raw NPA o non-performing asset si JoMag dahil nagawa nito ang kanyang mandato sa DOLE.

Malaking kawalan din anila si JoMag sa departamento, at malinaw na nagkamali si Presidente Duterte sa pag-alis nito sa opisyal sa DOLE para lamang sundin ang payo ng military at mga anti-worker sa gobyerno.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.